"Boss SM! LRT!"
"Sir SM!"
Yan ang sigaw ng mga holdaper(mas kilala sa tawag na pedicab drivers) noong sabado ng tanghali sa tapat ng Mapua habang patuloy ang pag-tangis ng kalangitan.
Isang hindi malilimutang karanasan ang pagdalaw ni ONDOY sa Pilipinas. Maraming pamilyang Pilipino ang nabulabog, na-shock at higit sa lahat na-GG. Hindi inaasahan ang mga pangyayari. Sino ba naman ang may gusto sa mga nangyari? Di ka ba nagugulat sa mga naganap? Di ko rin alam kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito. Hayaan nyong ikwento ko sa inyo ang aking karanasan noong kasagsagan ng galit at hagupit ni Bagyong Ondoy.
Sabado ng umaga, kabado kaming pumasok sa skul para sa aming defense sa Visual Basic. 8:30 am ang schedule ng defense namin. Kumain muna kami at nagpray kay Bro bago pumasok sa room. Salamat kay mam at syempre kay Bro. Naging maayos ang resulta ng defense namin. Ok. Masaya kaming lumabas ng room pagkatapos sabihin ng prof namin na kailangan pa ng documentation. Pumunta kami sa canteen, gumawa ng documentation, at nagpaprint. Oooops. Hindi lang ganun yun. "Pasado alas onse ng tanghali ng matapos naming gawin ang documentation namin. Ngunit matapos ang ilang negosasyon, pagkatapos na matype namin, at ahhhh pagkatapos nun ay umalis na kami ni Oldman Melo, binalak naming magpaprint sa umpisa pero binalak din naming magpaprint sa simula."(kung hindi nyo to na-gets, punta kayo sa youtube at itype nyo Michael Fajatin tapos panuorin niyo). Going back to the story, paglabas namin ni Oldman Melo sa skul, whoa! baha! OMG! Ginawan namin ng paraan para makapunta sa Adams at makapagpaprint. Dun kami dumaan sa gilid ng kantunan, sa may abandonadong building. Unfortunately baha pa din ang dadaanan namin, wala kaming choice kundi ang magpaholdap sa mga holdaper o mas kilala bilang mga pedicab drivers. Php 10.00 ang singil ng pedicab driver samin na kung lalakarin mo ay 2 mins lang. Grabe talaga yung mga yun. Porke't baha lang eh ang mahal ng singil samin, well, kahit pala hindi baha ay mahal sila maningil. Ayun, napilitan kaming sumakay ni Oldman, lalo na't matanda pa yung kasama ko. Pag lumusong yun baka manigas ang buto nun at atakihin ng rayuma sa lamig ng tubig. Habang binabagtas namin ang 2 min walk na daan papuntang Adams, isang trahedya ang nangyari kay Oldman o mas maganda yatang sabihing sa mga paa ni Oldman. May dumaang kotse at sa lakas ng alon ay umalon ang tubig patungo sa direksyon namin. Dahil hindi nakataas ang paa ni Melo dala ng katandaan, nabasa ito, ang masama nito ay nakasuot pa siya ng sapatos. hmmm. Ang bango-bango! Buti nalang bata pa ko at hindi pa ko hirap itaas ang mga paa ko kaya nakaligtas ako sa delubyo. Pagdating namin sa Adams agad kaming umakyat ni Oldman sa taas para magpaprint. Ayos! naprint na ang documentation ng project namin. Poproblemahin naman namin ang pagbalik sa mapua. Habang humahakbang pababa ng hagdaan ay pinag-iisipan namin kung bibili ba kami ng tsinelas pang-lusong sa baha. Until Oldman made his decision, "bibili ako ng tsinelas". Napaisip ako kasi hindi pa naman basa ang paa ko pero naisip kong mahihirapan akong bumalik sa Mapua ng hindi nababasa ang paa ko. So i decided na bumili na din ng tsinelas. I was looking for a cheap but stylish one, ang hirap maghanap, until i realized puro beachwalk at tsinelas pangbanyo ang nandoon. Nagwi-whine na din si Oldman na wag na kong maarte sa pagpili dahil ilulusong ko lang naman yun sa baha, good point, kaya kumuha nalang ako ng size 10 na tsinelas at nagbayad na kami ni oldman melo. Tapos, tinanggal na namin ang sapatos namin, sinuot ang bagong tsinelas, tinupi ang pantalon at lumarga na pabalik sa Mapua. Ang lamig ng tubig, ang dumi ng tubig, at nakakadiri ang tubig. Totoo. Ang daming sumasabit sa paa namin habang naglalakad, ang daming kung ano-anong bagay ang lumulutang sa tubig baha. yuck! Pagdating sa skul diretso kaming cr para maghugas ng paa. At noong ipapasa na namin ang documentation nalaman nalang namin na suspended na ang klase at hindi na namin mahagilap ang prof namin. Nice one CHED! Kung kelan baha na, kung kelan mahirap nang umuwi saka niyo sasabihing suspended na. Kayo kaya maging estudyante! Ayun. Ayokong sumuko sa paghanap sa prof ko para naman hindi masayang ang paglusong namin ni Oldman sa baha pero hindi na talaga namin makita si mam. Sayang naman, pero ayos na din kasi tapos na ang documentation namin. Bago umuwi pinabili muna namin si Ry at Kitch ng tsinelas nila, syempre pinahiram muna namin sila ng tsinelas. Ang tagal nila bago makabalik, at pagbalik nila, mukha silang wasted. haha. si Ry basang-basa, hindi kasi nagpayong, strong daw siya. Ayun, it's time to go home. Ang tanong eh makakauwi nga ba?
Supposedly pupunta dapat si Kitch sa bahay namin para tapusin ang mga projects namin dahil cooperative ng buong group namin. Unfortunately hindi na siya nakatuloy sa sama ng panahon at pinauwi na din siya agad ng papa niya. Pag-labas namin ng Mapua baha pa din, umuulan pa din. Ayos. Adventure ito. Lakad kami sa baha. Lusong dito, lusong doon. Hindi alintana ang panganib at mikrobyong dala ng tubig baha. No choice eh, kailangang lumusong para makauwi. Masaya naman ang stage 2 na baha, hanggang binti pa lang naman. Yung mga nasa harap namin hardcore, nag-paa nalang. Baba kami ng underpass, save point, pahinga muna, heal, reload, recharge. Nung ok na ang lahat, larga na ulit. Akyat kami ng underpass at eto na ang stage 3 na baha. Hanggang tuhod, mas masaya, mas exciting. Lakad lang, may ilang patibong sa daanan gaya ng mga elevated platforms, mga lubak, mga tipak ng bato at kung ano-ano pang obstacle na nakatago sa ilalim ng tubig baha. Pagdating sa city hall, baha pa din, hinto saglit at pinagmasdan ang stage 4 na baha, hanggang bewang na kasi. Panandalian kaming tumigil para icheck at ayusin ang mga gamit namin. Ok na ang lahat, ang dalang laptop ni Kitch at Ry buhay pa naman, ang mga cellphone namin gumagana pa naman. Kasado na ang lahat, ready to go na para suungin ang stage 4 na baha. Dahan-dahan kaming lumakad palayo ng biglang may dumaang sasakyan, nice one, umalon, nabasa na pati damit namin. Ang saya-saya. Pero tuloy ang laban, wala ng atrasan 'to. Lumusong pa din kami, hanggang sa makatawid sa kabilang dako. As usual may mga obstacles pa din. Muntik na kong tumumba dahil sa mga sagabal sa daanan. buti nalang hindi tumuloy kundi siguradong pahiya ako at maliligo ako ng di oras. Tuloy ang paglalakbay namin sa matubig na maynila hanggang pagdating sa stage 5 kumbaga sa left4dead eh escape na. Hanggang tuhod nalang ang baha pero ang daming obstacles. Salamat kay manong na nagbabala samin na may butas ang dadaanan namin kaya nagdetour kami para hindi mapahamak. Nung malapit na kami sa lrt station biglang tumugtog sa isip ko ang kanta ni Hannah Montana, "i can almost see it, that dream I am dreaming, but there's a voice my head saying, you'll never reach it" but luckily we made it. Sabi nga ni Loius ng l4d, "we made it, i can't believe we made it; we should call ourselves the unstoppable." sarap maglakad sa daanang walang tubig. Pakiramdam ko lumaki ang muscle ko sa binti at hita. Sa wakas nakarating din kaming 4 sa lrt station. Sumakay na kami, yung 3 kong kasama pa-Baclaran ang ruta, ako naman pa-Monumento kaya naghiwa-hiwalay na kami nun.
Pagbaba ko sa Monumento, baha na din. ang daming tao, parang fiesta. Ang gulo, ang ingay, ang lamig ng hangin. Pagdating ko sa sakayan ng jeep, ang daming tao, walang jeep na dumadating. Lumipat ako ng ibang terminal, buti nalang may dumating na jeep. Sa wakas nakasakay din. Panatag na ang loob kong makakauwi agad ako dahil maaga akong nakasakay. Wala pa akong malay na grabe na pala ang sitwasyon noong mga oras na yun. Pagdating namin ng EDSA, naghihintay na pala sa amin ang heabigat na trapik. Grabe. stranded ako dun sa EDSA ng 5 hrs. nakatunganga lang. No lunch, no cr, no text(lowbat na cp ko eh), no social-life(di ko kakilala mga kasabay ko sa jeep). ANG BORING! nakakatitig lang ako sa mga sasakyan. Nag-iimagine na sana may kapangyarihan akong magteleport pero imagination ko lang yun. Wala akong ibang nagawa kundi ang maghintay. Nung bandang ala-sais na ng gabi, umuusad na paunti-unti ang mga sasakyan. Pano ba naman kasi kalahati na ng bus ang baha sa ilalim ng tulay ng Balintawak pano kami makakadaan. tsk3. Sa ibang ruta dumaan ang palangiti at mapagbiro naming drayber. Sa wakas nakawala din sa trapik. Pagdating namin ng malinta trapik na naman. tsk3. Halos 2 hrs din kami na-stuck dun hanggang sa makaalis kami dun at pagdating sa Meycauayan exit trapik na nman. Lagpas 1 oras ang paghihintay namin dun, baha pala sa nlex. Grabe. Umaapaw ang tubig. Ngayon ko lang naexperience yun, ang makita at madaanang baha ang nlex. Sira ang mga pader sa gilid ng nlex, kalunoslunos ang itsura. Ang daming basura. Ang daming taong naglalakad makauwi lang. Kaawa-awa ang sitwasyon. Ihing-ihi na din ako nung mga oras na yon. Ginagawa ko ang lahat para pigilan ang ihi ko. Pagpasok ng meycauayan bumaba na ko dahil sa kabilang daan daw dadaan ang jeep dahil hindi na passble ang St. Francis at St. Michael. Napagdesisyunan kong mula doon ay maglakad nalang ako hanggang makarating sa bahay. Malayo pa yun, aabutin siguro ako ng 1 hr kung lalakarin ko. Pero bago ko umpisahan ang aking adventure humanap muna ako ng pee spot. hehe. Let the journey begin!
Inumpisahan ko na ang paglalakad. ang ginaw. Nanginginig ako habang naglalakad. Ang dilim, walang ilaw, walang kuryente, brownout. Pagliko ko sa kanto may mga aso, hinabol pa ako. Buti nalang hawak ko ang payong ko at nagawa kong takutin ang mga aso na yun. Muntik na ko dun. May mga jeep na dumadaan pero hindi nila ako pinapansin pag pumapara ako. Multo ba ako para hindi ako makita? Siguro nga akala nila multo ako. Maya-maya may isang jeep na dumaan at pinara ko, hindi agad siya huminto, kinailangan ko pang habulin at sumabit para huminto ang jeep. Nagpasalamat nalang ako at pinasakay pa ako. Pagka-upo ko sa jeep nasabi ko nalang, "ang dami ng dumaang jeep pero ikaw lang ang huminto at nagpasakay sakin." Hinihintay ko nalang may mag-sabi na "ramdam kita." Bumiyahe na kami, pinilit makatawid sa baha hanggang makarating sa paroroonan. Salamat sa Diyos at buhay ako, salamat dahil hindi kami binaha, salamat at nakauwi ako ng ligtas, gutom nga lang.
Isang hindi ko malilimutang experience, cool, exciting, adventurous, awakening.
Sa experience kong yon, marami akong narealize, marami akong naisip, maraming bagay ang ipinaunawa at ipinaintidi ng Diyos sa akin. Hindi ko man lubos maisip kung bakit kinakailangang mangyari ang ganitong trahedya sa atin, alam kong may dahilan si Bro para dito. Sa naranasan nating sakuna ay may nais iparating ang Panginoon sa atin, una ay ang kanyang pagmamahal, hindi pa rin niya hinayaan na mapahamak ang marami niyang mga anak, oo, may mga namatay, may mga nawawala pa din pero higit na mas madami ang bilang ng mga buhay, ng mga na-rescue at ng mga ligtas. Hindi ba't dapat lang na magpasalamat tayo sa Diyos, ang makita nating tayo ay buhay, nawalan man tayo ng bahay, ng mga gamit, ng pera at ng kung ano-ano pa, but the fact that we are able to breathe, we are able to open our eyes everyday, to walk, to talk, to smile is more than enough para maging thankful tayo sa Panginoon. Napakaraming biktima ng Bagyong Ondoy but God wants us to learn something from it, ang pangalagaan, ingatan at mahalin ang kalikasan, ang maging malinis sa kapaligiran, ang maging matulungin sa kapwa, ang maging mapagmalasakit sa kapwa, ang maging mapagpakumbaba, ang maging matiyaga, ang maging mapagmahal sa kapwa, ang maging mapagpasalamat sa lahat ng mga pangyayari, maganda man ito o hindi. Wala tayong dahilan para magreklamo dahil kung meron mang dapat sisihin ay tayong mga tao yon. Naging pabaya tayo sa ating kalikasan, sa ating kapaligiran kaya naman eto ang naging resulta. Wag tayong mawalan ng pag-asang makabangon muli sa pagkakalugmok sa putikan, siguro nga mahirap pero ang mahalaga ay may pagkakataon pa tayong tumayo sa ating pagkakadapa. Tuloy ang buhay, ganyan tayong mga Pinoy, matatag, matibay, matapang, walang inuurungan, walang inaatrasan, kahit anong problema at trahedya ang dumaan makikita mo ang mga Pinoy, nakangiti pa rin, nagtatawanan pa din. Ganyan tayong mga Pilipino, iba tayo eh. Kaya naman sa panahong ito ay namayani ang bayanihan sa bayan. Kahit sino ay nagsasakripisyo matulungan lang ang mga kababayang nasalanta ng bagyo. Maraming dayuhan ang humahanga sa atin dahil sa kaugaliang ito ng mga Pilipino, kaya naman I"m proud to be a pure Filipino. Hindi kailangang kakilala mo bago mo tulungan, hindi rin kailangang mayaman ka bago ka tumulong. Basta't may pagkakataong tumulong ay siguradong tutulong at tutulong tayo. Umiral ang pagmamahalan ng bawat isa, nakakatuwang makita na tulong-tulong ang mga tao upang maiahong muli ang kanilang mga buhay. Walang sumuko at walang susuko, sabi nga diba, "the show must go on!". Si Ondoy no match sa mga Pinoy!
Grabe si Ondoy, nabasa brief ko sa baha!











--
"The melody of theory will play the notes of truth."
--
"The melody of theory will play the notes of truth."
--
[link]
--
"The melody of theory will play the notes of truth."
--
OPENING COMMISSION SOON
LEAVE ME NOTE IF YOU ARE INTERESTED TO GET ONE
visit [link] for more info
I took this new free iQ quiz my friend showed me. you should check it out. just CLICK HERE TO TAKE THE FREE IQ TEST
--
Jesus loves me :3
Previous Page12345...Next Page